RSS Feed PGB Facebook Page Follow PGB on Twitter

Official James Yap statement on marital problem with Kris Aquino

    James Yap and Kris Aquino

    For the longest time, cager James Yap kept mum on the issue surrounding his marriage with former presidential daughter sister Kris Aquino. Many may recall that this isn’t the first time the celebrity couple has encountered marital problems.

    The marriage of Kris and James was first rocked in the middle of the “Hope” controversy, where James allegedly had an illicit affair with a Belo clinic attendant. Kris and James survived the issue and has since been a happy couple, so to speak.

    Next, there came the Mayen Austria issue where Pinoy Gossip Boy was the first to get the exclusive photo of Mayen Austria, the woman who was allegedly confronted by Kris Aquino at the latter’s own abode.

    For the first cognizable time, James Yap apparently broke his silence and issues an official statement regarding his marital problem with wife Kris Aquino.

    Below are the contents of James Yap’s official statement:

    “Kilala niyo po naman ako. Tahimik at simple lang akong tao. Tingin ko din itong lahat na issues na naglalabasan siguro dapat kami na lang mag-asawa ang mag-aayos in private. Ever since naman, never niyo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris.

    “Kaya konti lang ang gusto kong sabihin.

    “Naniniwala ako sa kahalagahan ng pagkakaroon ng buo ang pamilya. Kaya ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don’t think na ngayon pa kami susuko. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil syempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama. Umaasa pa rin ako na darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat.

    “Marami nang lumabas na mga balita at mas pinili ko na manahimik muna bilang paggalang sa ating bagong Presidente Noynoy Aquino.

    “May nagtatanong din tungkol sa hindi ko pagsipot sa inauguration ni President Noynoy Aquino. Nagkausap kami at nag-text ako kay President Noynoy at naiintindihan niya ako. Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong presidente ng ating bansa.

    “At isa pa, nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na-aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay.

    “Alam kong mahirap para sa anak ko ang nangyayaring ito sa amin ng Mama niya pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang situwasyon. May tamang oras at panahon ang lahat.

    “Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin.
    “Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na tunay na anak na ang turing ko.

    ”Inuulit ko, it’s final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos , alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito!”

    It seems like James wishes to mend whatever was broken. But with Kris saying that she has given up on James, do you think the two would still reconcile?

    Follow Pinoy Gossip Boy on Twitter and stay connected on Facebook for quicker updates!

    Learn what people are saying about the topic. Join the discussion below.

    3 Comments

    1. grace
      Posted Jul 9, 2010 at 7:41 pm | Permalink

          Magkakabalikan din sila yan basta sng isas hindi bumibitiw sa sinumpaan sa harap ng altar. Nagdadaan talaga sa mag-asawa ang ganyang sitwasyon, kasama yan para lalong magtindi ang tatag at pagiging buo ng isang pamilya. Dahil ako galing ako sa isang broken family, ang masasabi ko napakahirap ng hindi buo ang pamilya, kaming mga anak ang mas maapektuhan at papasan ng paghihirap ng pagkakamali ng magulang.
          James at Kris sanay maayos niyo na ang problema.

    2. Posted Aug 3, 2010 at 2:23 am | Permalink

      cguro better na lang na magkahiwalay si kris at james…after all many have been said by kris ….. mahirap kasi ki kris kahit sa tv sinasabi na nya ang lahat-lahat.
      abs-cbn, do you think na magandang halimbawa ang ginagawa ni kris sa noontime show and i quote: Ang ina hindi mapapalitan pero ang asawa pwede”, as a mother, ini tinuturo ko sa aking mga anak na kapag sila’y naka pag asawa, i just wish that they will love each other no matter what………isa lang dapat….pero sa naririnig nila ki kris…para bagang pinag mamalaki ni kris na pwede yon gawin..
      wag naman sana maging pareho sa yo ang mga manonood mo…
      why don’t abs-cbn caution kris on talking this issue on tv….maraming bata ang nanonood.

      cguro nga lang di pwede nyong galawin si kris..dahil sa pulitika…
      and also maybe ito ang nangyari ki willie…hindi pwede mawala si kris…kahit na mawala si willie……….

      obvious………di ba?

    3. Posted Aug 5, 2010 at 5:52 am | Permalink

      idol ko cla pareho .. sana magkabalikan cla .. !! still hoping .. !!!